Maaari nang makabili ng 39 pesos kada kilo na halaga ng mga commercial rice sa NCR o National Capital Region simula bukas.
Ito ay ayon sa NFA o National Food Authority bilang bahagi ng ipinangako ng mga rice traders at millers matapos makipagpulong kay Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang linggo.
Ayon kay NFA Spokesperson Rex Estoperz, kanilang tatawagin ang proyekto bilang tulong sa bayan caravan kung saan ibebenta ang mga murang bigas sa iba’t ibang palengke sa Metro Manila.
Mahigpit din aniya ang gagawing monitoring ng NFA sa pagdedeliver at pamamahagi sa mga palengke ng nasabing murang commercial rice.
Kinumpirma naman ni Estoperez na darating na sa kalagitnaang ng buwan ng mayo ang unang batch ng inangkat na bigas bansa.