Malaking bagay para sa Overseas Filipino Workers sa Middle East ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte na one stop shop OFW building.
Ayon sa mga OFW na nasa Bahrain, makasisiguro sila na hindi na sila mabibiktima ng mga fixer at mga sindikatong kasabwat ng ilang illegal recruiters.
Batay sa pahayag noon ng Pangulo, tinitingnan ang gusali ng Post Office sa lungsod ng Maynila para gawing one stop shop for OFWS kung saan inatasan pa si Labor Secretary Silvestre Bello na pag-aralan ang plano.
By: Meann Tanbio / Aileen Taliping