Kumonti ang mga ipinapanganak at namamatay sa Pilipinas.
Batay ito sa datos ng Philippine Statistics Authority kung saan lumabas na umabot sa mahigit 900,000 ang ipinanganak noong Enero hanggang Oktubre ng nakaraang taon.
Mas mababa ito ng 18.4 % , kumpara sa naitalang mahigit 1 milyon noong unang sampung buwan ng 2022.
Umabot naman sa mahigit 400 ang namatay noong Enero hanggang Oktubre 2023 na mas mababa ng 14. 2 % kumpara sa naitalang mahigit 500, 000 noong 2022. – sa panunulat ni Charles Laureta