Hindi umano umubra sa ibang lugar ang ipinatupad na Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ito ang inihayag ni Health Secretary Francisco Duque III, matapos siyang magpaalam ng mas maaga sa Go-Negosyo forum dahil mayroon aniya siyang emergency meeting.
Ani Duque kailangan niyang pulungin ang DOH regional directors ng Region 7 o Central Visayas at Northern Mindanao dahil sa kabila ng pagpapatupad ng ECQ, hindi nakitaan ng positibong pagbabago sa sitwasyon ng COVID sa nabanggit na rehiyon.
Isinailalim sa ECQ simula Hulyo 16 hanggang Agosto 7 ang Iloilo City, Iloilo province, Cagayan de Oro at Gingoog sa Misamis Oriental.