Binawi ng Thailand ang ipinatutupad na entry policy sa mga turistang magpupunta sa kanilang bansa.
Matatandaang nagpatupad ng polisiya ang Thailand kung saan, obligadong magpakita ng covid-19 vaccine certificate ang mga dayuhang nais pumasok o magbakasyon sa kanilang bansa.
Kasunod narin ito ng pangamba matapos ang muling pagsirit ng covid-19 cases sa China at pagluluwag ng restriksiyon sa beijing.
Ayon kay health ministry ng Thailand, magiging malaking abala lang ang naturang hakbang kung saan nagkasundo na ang mga eksperto na alisin ang nasabing kautusan.
Matatandaan na ang Thailand ay kabilang sa mga popular destination sa Asya kung saan, noong nakaraang taon, pumalo sa mahigit isang milyong turista ang bumisita sa bansa.