Inihayag ni Attonery Ariel Inton, Pangulo ng Lawyers for Commuters Safety and Protection na maraming beses na nilang pinuna ang hakbang ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa window hours scheme.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni inton na noon pa at hindi na bago ang window hours scheme kung saan matagal ng gusto ng Metro Manila Development Authority (MMDA) na hindi na makapasok sa Metro Manila ang mga provincial bus.
Nanggagaling ng south lalo na yung Bicol, so nung panahon na yun, ang MMDA hindi pinapasok yun, nagprotesta at nagsaad ng kanilang damdamin against the policy ang mga legislator , mga congressmen ng Bicol region at pati ang mga lokal officials nila.
Paliwanag pa ni Inton na ang pagkakaiba ng window hours na pinag-uusapan ay inilagay sa decision sa rationalisation ng provincial bus routes. -sa panulat ni Airiam Sancho