Nakatakdang magpakawala ng tubig ang Ipo Dam ngayong araw.
Batay sa abiso ng PAGASA Hydrometeorology Division, magsasagawa ng tinayang 47 cubic meter per second na spilling operation ang pamunuan ng Ipo Dam mamayang alas-4 ng hapon.
Ito ay sa gitna na rin ng inaasahang pagtaas ng tubig sa Ipo Dam na posibleng umabot sa maximum water level bunsod ng pag-uulang dala ng Bagyong Rolly.
Sa pinakahuling datos ng PAGASA, nasa 100.58 meters na ang water level ng Ipo Dam na malapit na sa 101 meters na normal high water level nito.
Kasunod nito, pinapayuhan ng PAGASA ang mga residente sa mga mababang lugar at katabi ng Angat river sa posibilidad ng pagtaas ng tubig.
Kabilang dito ang Norzagaray, Angat, San Rafael, Bustos, Baluiag, Pulilan at Hagonoy.