Isang ipo-ipo ang namataan sa karagatang sakop ng Lingayen, Pangasinan sa gitna ng nararanasang malalakas na pag-ulan sa Luzon area bunsod ng Southwest monsoon o Hanging Habagat.
Alas-5:40 ng hapon ng kahapon, nang manalasa ang ipo-ipo sa Lingayen Baywalk kung saan, namamasyal ang mga residente sa lugar.
Dahil dito, agad na nagsi-uwian ang mga residente matapos ding umulan nang malakas at makaramdam ng takot sa ipo-ipo na sinabayan umano ng kidlat.
Samantala, nagpaalala naman sa publiko ang PAGASA na kung hindi naman mahalaga ang lakad ay huwag na lamang umalis ng bahay upang maging ligtas at maiwasan ang anomang sakuna.