Dapat nang ibaon sa limot ang Mamasapano encounter.
Sinabi ito ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief Negotiator Mohaguer Iqbal, kasunod ng pagbasura sa panukala sa Kamara na muling imbestigahan ang engkuwentro na ikinasawi ng 44 na miyembro ng PNP Special Action Force.
Ayon kay Iqbal, tapos na ang imbestigasyon ng Board of Inquiry (BOI) at ng MILF at sapat na ang mga nakuhang impormasyon dito.
Binigyang diin ni Iqbal na hindi na dapat muling busisiin ang pangyayari na nagdulot ng pighati sa pamilya ng mga MILF fighters at ng SAF 44.
By Katrina Valle | Jill Resontoc (Patrol 7)