Huwag naman sanang pahirapan ang Bangsamoro Basic Law o BBL.
Ito ang panawagan ni Moro Islamic Liberation Front (MILF) Chief Negotiator Mohagher Iqbal sa kongreso at senado sa gitna ng sinasabing hati pa ring pananaw ng mga mambabatas hinggil sa naturang panukalang batas.
Paliwanag ni Iqbal, malaking ambag ang decommissioning o pagbababa ng mga armas ng MILF upang mabura ang masamang persepsiyon ng publiko sa kanilang grupo.
“Ang BBL, dapat naka-anchor yan doon sa mga agreement ng gobyerno at MILF, otherwise if it comes out of the blue, maaaring dictatorship na yan, nag-iimpose ka ng isang solution na nanggagaling lang sayo at hindi dahil merong sapat na pag-uusap, o di kaya negotiation o consultation.” Ani Iqbal.
By Jelbert Perdez | Kasangga Mo Ang Langit