Nagbitiw sa puwesto si Iran Foreign Minister Mohammad Javad Zarif.
Ang 59 anyos na foreign minister ay nag anunsyo ng kaniyang resignation sa kaniyang Instagram account.
Mahalaga ang papel ni Foreign Minister Mohammad Zarif sa pakikipag-ugnayan kaugnay sa 2015 nuclear agreement ng Iran sa ibang major international powers.
Subalit naging malabo ito nang tapusin ni US President Donald Trump ang pakikipag ugnayan sa nasabing kasunduan.
Si Zarif na nakapagtapos ng Ph D International Law sa University of Denver sa US ay naging ambassador bago naging foreign minister noong 2013.