Nanindigan ang Iran na hindi nila ipauubaya sa Amerika ang black box o digital flight data recorder ng bumagsak na Ukranian boeing 737- 800.
Ayon sa Iranian civil aviation Organization, hindi nila ipagkakatiwala sa amerika ang imbestigasyon bagkus ay sila mismo ang siyang gagawa nito.
Ang kumpanyang boeing ang siyang manufacturer ng bumagsak na eroplano at ito rin ang may kakayahan na i- analisa ang nilalaman ng black box.
Una nang bumagsak ang eroplano ilang minuto lamang matapos itong mag take–off at umabot sa 176 ang nasawi dito.