Naitala ang kumpirmadong kaso ng coronavirus 2019 COVID-19 sa Iran.
Ayon sa Health Ministry Spokesman ng naturang bansa, nagpositibo sa COVID-19 ang dalawang pasyente mula sa Qom at kasalukuyan itong naka – isolate.
Dadaan pa aniya sa iba pang test ang naturang mga pasyente at handa nilang i-anunsiyo ang mga magiging resulta nito sa publiko.