Muling binalaan ng Iran ang Amerika sa gitna ng ikinakasa nitong panibagong sanctions at nakatakdang paglalagay sa Iranian revolutionary guards corps sa US terrorist list.
Ayon kay Iranian Revolutionary Guards Commander Mohammad Ali Jafari, sakaling magpataw ng panibagong economic sanctions ang Amerika sa Iran, tiyak na malalagay sa peligro ang mga US regional military bases.
Kung magpapasa aniya ng batas para sa mga sanction, dapat aniyang ilayo na ng Estados Unidos ang kanilang mga base militar mula sa 2,000 kilometer range ng mga Iranian ballistic missile.
Iginiit ni Jafari na handa silang maglunsad ng missile attack sa mga US military bases kung ipipilit ni US President Donald Trump ang mga sanction na resulta ng pagpapatuloy ng nuclear weapons development ng Iran.
Mapipilitan din ang Iran na ibasura ang anumang tiyansang makipag-dayologo sa Amerika sa hinaharap.
—-