Muling nagpakawala ng ballistic missile ang Iran sa gitna ng hirit ng Amerika na itigil na ang kanilang nuclear arms program at umiiral na unilateral sanctions.
Ayon sa Iranian Government, tagumpay ang launching ng kanilang Khorramshahr medium range ballistic missile na may kakayahang magdala ng nuclear warheads.
Isinapubliko muna ang missile sa isang military parade na dinaluhan ni Iranian President Hassan Rouhani bago pinalipad, kahapon.
Ang Khorramshahr ay bersyon ng Iran ng Hwasong-10 missile na pinakawalan naman ng North Korea.
SMW: RPE