Nagpalabas ng warrant of arrest ang Iran laban kay US President Donald Trump at 35 iba pa.
Kaugnay ito ng pagpatay sa isa sa mataas nilang heneral at pinuno ng Revolutionary Guards’ Quds Force na si Qassem Soleimani.
Ayon kay Tehran Prosecutor Ali Alqasimehr, humingi na rin ng tulong ang Iran sa Interpol para sa pagpapalabas ng red notice laban kay Trump at iba pa na isinasangkot sa pagpatay kay Soleimani.
Aniya, ipinalabas ang warrant of arrest bunsod ng kasong murder at terrorist action.
Ika-3 ng Enero nang mapatay ng Estados Unidos sa pamamagitan ng drone attack sa Iraq si Soleimani na kanilang inaakusahan bilang utak ng pag-atake ng Iranian-aligned militias laban sa US forces sa rehiyon.