Umalma ang Iran sa panibagong sanction na ipinataw ng Amerika, kasabay ng implementasyon ng nuclear deal na nilagdaan ng Tehran at anim na mga world powers.
Ayon sa Iran Foreign Ministry, mas palalakasin pa nila ang missile program bilang ganti sa propagandistic at aggravating na pagpataw ng sanction ng Amerika.
Kasabay kasi ng pagiging epektibo ng Iran deal, inanunsyo ng Washington ang pagpataw ng sanction sa 11 kumpanya at inidibidwal na nagsu-supply para sa ballistic missile program ng Tehran.
Ito’y kahit na layunin ng Iran deal na bawiin ang international sanction laban sa Islamic country kapalit ng limitasyon sa nuclear program nito ngunit hindi kasali sa kasunduan ang missile program.
By Mariboy Ysibido