Pinagkalooban ng refugee status ng Department of Justice ang isang Iranian beauty queen matapos na humirit ng ‘asylum’ sa bansa dahil sa takot na mamatay o makulong sa Iran.
Sa ipinalabas na dokumento ng DOJ nuong Nobyembre 6, 2019, kinilala si Bahareh Zare Bahari bilang refugee sa ilalim ng 1951 convention relating to the status of refugees and 1967 protocol.
Si Bahari ay kinatawan ng Iran sa Miss International 2018 pageant na isinagawa sa bansa.
Dumating si Bahari sa bansa nuong October 16 at ilang linggo rin siyang nanatili sa Ninoy Aquino International Airport habang hinihintay ang status ng kanyang asylum request.
Naniniwala si Bahari na sinusubaybayan ang kanyang mga pagkilos dahil sa aktibo niyang pakikibahagi sa mga kilos protesta sa kanyang bansa na nagtataguyod sa karapatang pantao at women’s rights.