Ibinunyag ng isang dating opisyal ng Department of Education ang sinasabing iregularidad sa departamento sa ilalim ng pamumuno ni Vice President Sara Duterte.
Ayon kay dating DEPED Undersecretary Gloria Jumamil-Mercado, pinuwersa siyang mag-resign ni Undersecretary Zuleika Lopez, matapos niyang kinuwestyonin ang procurement ng computerization program ng kagawaran.
Bukod pa rito, isiniwalat din ni Mercado na nakatanggap siya ng mga envelope na naglalaman anya ng pera noong nanunungkulan pa siya sa DEPED.
Matatandaang, itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Mercado bilang DEPED Undersecretary matapos irekomenda ni Vice President Duterte noong 2022.