Binalaan ng BFAR o Bureau of Fisheries and Aquatic Resources ang publiko laban sa pagkain ng lahat ng uri ng shellfish na hinahango sa Irong Irong Bay sa Western Samar
Ayon sa BFAR, lumalabas sa pagsusuri sa mga shellfish mula sa Irong Irong bay ay positibo sa Red Tide toxin.
Gayunman, ligtas namang kainin ang mga Hipon, Pusit at Alimasag na makukuha sa Irong Irong bay bagamat kailangang linisin ito mabuti bago lutuin
Kasabay nito, ipinabatid ng BFAR na Red Tide Free naman ang katubigang sakop ng Manila Bay at kalapit na coastal provinces na pinagkukunan ng shellfish
By: Judith Larino