Mahigpit na pinababantayan ng Kabataan Partylist ang paglalatag sa IRR o Implementing Rules and Regulations para sa tiyak na pagpapatupad ng libreng matrikula sa SUC’s o State Universities and Colleges.
Ayon kay Kabataan Partylist Representative Sarah Elago, dapat ay matiyak ng Kamara na walang kahit isang sentimo na sisingilin mula sa mga estudyante ang SUC’s.
Giit pa ni Elago, hindi lamang dapat matrikula ang libre kundi pati ang miscellaneous fees at iba pang mga bayarin.
Ani Elago, hindi rin dapat mangyari ang inaasahang nasa P9.1-B tuition na inaasahang makokolekta ng mga economic managers ni Pangulong Rodrigo Duterte sa SUC’s sa susunod na taon.