Kinalampag ni Senador Richard Gordon ang LTO para ilabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Motorcycle Crime Prevention Act of 2019.
Kasunod na rin ito nang pag kundena ni Gordon sa pagpatay ng riding in tandem criminal sa babaeng opisyal ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Maynila isang Ilocos Sur judge sa La Union at pulis sa Quezon City.
Sinabi ni Gordon na simula noong 2010 umaabot na sa 20,000 ang biktima ng riding in tandem assasins.
Ayon kay Gordon kailangang ipatupad ang batas para matigil na ang mga krimen at maprotektahan ang publiko.
Magugunitang pinalagan ng riders ang batas dahil kailangang maglagay sila ng malaking plaka para madaling mabasa o matandaan. — ulat mula kay Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)