Nalagdaan na ang implementing rules ang regulations (IRR) ng Republic Act 112- Rice Tariffication Act.
Layon ng naturang batas na payagan ang unlimited importation ng bigas basta’t mayroong phytosanitary permit ang pribadong sector mula sa Bureau of Plant Industry (BPI) at magbabayad ng tatlumpu’t limang (35) porsyentong taripa.
Dahil dito, inaaasahan na ng pamahalaan ang pagbaha ng supply at pagbaba ng presyo ng bigas na makakahatak din sa pagbaba ng presyo ng iba pang pangunahing bilihin.
Epektibo ang IRR labing limang araw matapos itong mailathala sa mga pahayagan.
—-