Ipinalabas na ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang Implementing Rules and Regulation (IRR) ng Republic Act 11360 o Service Incentive Law.
Sa ilalim ng nabanggit na batas, inaatasan ang pamunuan ng isang restaurant, hotel o anumang establisyimento na ibigay ang kabuuang halaga ng makokolektang service charge sa kanilang mga empleyado.
Sakop nito ang lahat ng rank and file at supervisory employees tulad ng mga waiter, line cook, pantry steward at kahit mga nakatalaga sa kusina o hindi humaharap sa customers.
Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello, sa ilalim ng IRR, ibabatay ang paghahati sa makokolektang service charge sa aktuwal na oras o araw na nagtrabaho ang isang empleyado.
Ipamamahagi naman sa mga empleyado ang service charge, isang beses kada dalawang linggo o dalawang bese kada buwan.
Sinabi ni Bello epektibo ang IRR, 15 araw matapos itong mailathala sa pahayagan.