Pina-plantsa na ng Department of Trade and Industry ang implementing rules and regulations (IRR) ng Vape Law, na mag-re-regulate sa produksyon at pagbebenta ng vape at tobacco products.
Ayon kay Trade Undersecretary Ruth Castelo, sisimulan na ng DTI ang konsultasyon sa Food and Drug Administration sa mga susunod na araw.
Sa sandali anyang maayos sa dalawang ahensya, ilalabas na ito para sa public consultation, lalo’t mina-madali na ang IRR upang tiyak na maipatupad nang maayos ang Vape Law.
Magugunitang kinumpirma ng Malakanyang noong Hulyo ang pag-lapse bilang isang batas ng kontrobersyal na panukala, na naglilipat ng regulatory powers ng mga vape at tobaco products sa DTI mula sa FDA.