Hinihintay pa ng LTO o Land Transportation Office ang IRR o implementing rules and regulation para sa pagpapatupad ng Republic Act 11229 o Child Safety in Motor Vehicles Act.
Ito ay matapos lagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang nabanggit na batas kamakailan na naglalayong matiyak ang proteksyon ng mga batang pasahero sa mga sasakyan.
Ayon kay LTO Chief Edgar Galvante, kanilang pang hinihintay ang ipalalabas na pamantayan ng dti o department of trade and industry sa klase ng child restraint system o car seat na maaaring gamitin ng mga may-ari ng sasakyan kapag may sakay na mga bata.
Gayunman, sinabi ni Galvante, kanila nang sisimulan ang pagsita sa mga motoristang magpapa-upo ng mga batang may edad labing dalawang taong gulang pababa sa harapan ng sasakyan.
Batay sa nilagdaang Child Safety in Motor Vehicle Act ni Pangulong Duterte, inaatasan ang lahat ng may ari ng sasakyan na maglagay ng child restraint system at pagbabawal sa mga batang dose anyos pababa na paupuin sa front seat.
“Mukhang kulang ang ating color for the 17 region kaya magkakaroon kami siguro ng pag-cocombine ng color para talagang ma-sparate natin ang color assignment ng bawat region. Actually, meron kaming mga model o sample na sinubukan namin but it needs a lot of improvement kasi even the available life dapat nakikita pa din.” Pahayag ni Galvante.