Inaasahang ipatutupad na ngayong buwan ang Implementing Rules and Regulations para sa expanded Solo Parents Welfare Act, na magbibigay ng cash subsidy at discount sa mga kwalipikadong solo parents.
Kinumpirma ni DSWD secretary Erwin Tulfo na nilagdaan na ang IRR noong Biyernes.
Ayon kay Tulfo, kailangan pang maghintay ng 15 hanggang 30 araw bago maging fully operational ang IRR dahil ipa-publish pa ito sa mga pahayagan.
Sa ilalim ng nasabing batas, entitled sa P1,000 monthly cash subsidy mula sa local government ang Solo parent na kumikita ng minimum wage o mas mababa basta’t hindi benepisyaryo ng anumang cash assistance program ng government.
Entitled din sa 10% discount ang solo parents na kumikita ng mas mababa sa P250,000 kada taon at VAT exemption sa gatas ng bata, food and micronutrient supplements, sanitary diapers, gamit, bakuna at iba pang medical supplements para sa kanilang anak na hanggang anim na taong gulang.