Sinimulan na ng CHED o Commission on Higher Education ang proseso sa pag-amiyenda sa isang probisyon ng IRR o Implementing Rules and Regulations.
Kaugnay ito sa pagpapatupad ng Free Tuition Fee Policy para sa mga mag-aaral ng State Colleges and Universities para sa kasalukuyang school year.
Ayon kay CHED Commissioner Prospero De Vera, layon nitong matiyak na tanging ang mga mahihirap ngunit karapat-dapat na mga mag-aaral lamang ang masasaklaw ng nasabing programa.
Paliwanag ni De Vera, nakabatay aniya sa household income ng isang pamilya kung masasaklaw ba o hindi ng nasabing programa ang isang mag-aaral.
Bagama’t mananatiling prayoridad ang mga mag-aaral na nasa ilalim ng student financial assistance program, sinabi ni De Vera na tutukuyin naman sa kanilang simplified bracketing ang iba pang posibleng benepisyaryo ng programa.
By: Jaymark Dagala