Malapit ng maipatupad ang mandatory sim registration law – ang batas na oobliga sa registration ng lahat ng sim o subscriber identity modules.
Ayon kay Senator Grace Poe, sa timetable na ibinigay sa kaniya ng Department of Information and Communications Technology (DICT), ilalabas na ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng batas sa December 12 at sa December 27 ang aktwal na implementasyon.
Bago ilabas ang IRR, magkakaroon muna ang DICT ng public hearing ukol dito sa December 5 para maiharap muna ito sa stakeholders partikular sa mga telecommunications company.
Nabatid na sa mandatory sim registration law kailangang irehistro ang mga sim sa loob ng 180 araw, na pwedeng palawigin ng karagdagang isandaan at dalawampung araw depende sa pangangailangan.
Isinulong ang batas na ito dahil sa mga krimen na ginagamitan ng prepaid sim gaya ng laganap na text scams. – mula sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)