Natapos na ng Department of Justice (DOJ) ang Implementing Rules and Regulations (IRR) ng Republic Act no. 11928 o ang Separate Facility for Heinous Crimes Act.
Layon nito na magtayo ng kahit isang pasilidad sa Luzon, Visayas at Mindanao para sa mga bilanggong gumawa ng karumal-dumal na krimen.
Sa oras na lagdaan ni Justice secretary Jesus Crispin Remulla ang IRR, maaari na itong maipatupad 15 araw pagkatapos mailathala.
Ang mga kasong itinuturing na heinous crimes sa bansa ay ang; Treason, Qualified Bribery, Parricide, Murder, Infanticide, Kidnapping and Serious Illegal Detention, Robbery with Violence Against or Intimidation of Persons, Destructive Arson, at Rape.