Ipinaliwanag ni Foreign Affairs Assistant Secretary Charles Jose na isa sa mga lumagda sa United Nations Convention on the Law Of the Sea ang China kaya naman dapat itong sumunod at gumalang sa pasya ng Korte.
Final at binding na rin, aniya, ang pagpabor ng Arbitral Tribunal sa Pilipinas kaugnay sa agawan sa West Philippine Sea
Sinabi ni Jose na sakaling tumanggi pa rin ang China na kilalanin ang pasya ng Permanent Court of Arbitration, hihingin na ng Pilipinas ang tulong ng International Community upang kumbinsihin ang China na makabubuti rin sa kanila ang pagtalima sa kautusan.
Dagdag pa ni Jose, makababawas iyon sa tensiyon sa West Philippine Sea at magtataguyod ng stability sa rehiyon.
By: Avee Devierte