Pinangangambahang umabot sa isa at kalahating bilyong dolyar ang mawalang kita sa sektor ng turismo sa Sri Lanka.
Ayon sa Finance Minister ng Sri Lanka Mangala Samaraweera, inaasahan nilang babagsak hanggang30 porysyento ang industriya ng turismo matapos ang ‘Easter Sunday Suicide Bombing’.
Sinabi ni Samaraweera na posibleng abutin ng dalawang taon bago sila tuluyang makabangon mula sa matinding pinsalang tinamo nila dahil sa suicide bombing.
Tatlong luxury hotels at tatlong simbahan ng kristiyano sa Sri Lanka ang sumabog sa suicide bombings kung saan karamihan sa 253 nasawi ay mga dayuhan.