Nasa isa hanggang dalawang bagyo ang inaasahang papasok sa bansa ngayong buwan.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA, sa kabila nito ay mananatili naman ang mainit na panahon sa bansa habang mapapadalas naman ang mga mararanasang pag-ulan.
Partikular na makakaranas ng mas madalas na pag-ulan sa Western section ng Luzon.
Samantala, maaari namang hindi maranasan ng bansa ang La Niña ngayong taon.
—-