Pinayagan na ng pamahalaan ang pagsasagawa ng religious gathering at magkaroon ng 10% kapasidad sa loob ng simbahan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Secretary Harry Roque, ang naturang desisyon ng pamahalaan ay magandang balita lalo na sa mga nais na makinig ng misa sa loob mismo ng simbahan sa nalalapit na Semana Santa.
Ang pagpayag sa pagsasagawa ng religious gathering na may limitadong kapasidad ay iiral ng isang beses kada araw mula ika-1 hanggang ika-4 ng Abril.
Sa huli, giit ni Roque na ang naturang kautusan ay saklaw ang lahat ng mga relihiyon sa bansa.