Isa na ang kumpirmadong nasawi sa panibagong outbreak ng ebola virus sa democratic republic of congo habang nasa labing isa naman ang nahawaan.
Naitala ang karamihan ng mga kaso sa bayan ng ikoko impenge malapit sa hilagang kanluran ng bikoro.
Batay naman sa ulat ng world health organization, umabot na sa labing pito ang hinihinalang nasawi sanhi ng ebola virus noong disyembre gayunman hindi pa nakukumpirma sa pamamagitan ng medical tests.
Ito na ang ika siyam na pagkakataon na nagkaroon ng out break ng ebola sa congo simula nang lumutang ang naturang sakit noong 1970.
—-