Inanunsyo ng Philippine Paralympic delegation na isa na namang atletang Pinoy ang nagpositibo sa COVID-19.
Sa isang pahayag, sinabi ni PPC President Michael Barredo na hindi na makakaalis papuntang japan si Filipino Taekwando athlete allain ganapin matapos na magpositibo sa nasabing sakit.
Dahil dito, si ganapin na ang pangatlo sa mga delegado ng bansa na tinamaan ng COVID-19 kabilang si Achelle Guion at Jeanette Acevada.
Lalaban sana si ganapin sa men’s K44-75kg ngayong araw.—sa panulat ni Rex Espiritu