Isa pang namumuong sama ng panahon ang binabantayan ngayon ng PAGASA.
Ang low pressure area ay namataan sa layong 125-kilometro ang layo sa Sinait, Ilocos Sur.
Ito ang nagpapa-igting ngayon sa habagat sa kanlurang bahagi ng Luzon at nagdadala ng mga pag-ulan sa Ilocos Region at kanlurang bahagi ng Central Luzon.