Nanganganib na masibak ang isa na namang opisyal ng pamahalaan dahil pa rin sa usapin ng katiwalian.
Iyan ang ipinahiwatig muli ni Pangulong Rodrigo Duterte nang pangunahan nito ang presentasyon ng mga bagong pananalapi sa Malacañang kahapon.
“There’s another one coming up.”
Bagama’t hindi tinukoy ng Pangulo kung sinong opisyal ang kaniyang sisibakin, sinabi nito na dahil aniya iyon sa madalas na pagbiyahe.
Magugunitang pinaiimbestigahan ng Pangulo si PhilHealth Interim President at Officer-in-Charge Celestina Dela Serna dahil umano sa madalas na pagbiyahe, pananatili sa mamahaling hotel at sobra-sobrang allowance.
Sinabi ng Pangulo, matatanggap lamang niya ang pagbiyahe ng mga opisyal kung may maibubungang maganda para sa bansa ang mga dadaluhan nilang mga pagpupulong sa loob man o labas ng bansa.
“You know, if you go to other places to attend important meetings that would affect the country, I would appreciate it.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-