Isa na namang pari ang patay matapos tambangan sa bayan ng Zaragoza, lalawigan ng Nueva Ecija kahapon.
Kinilala ni PNP Region 3 Director Chief Supt. Amador Corpuz ang biktimang pari na si Fr. Richmond Nilo, Kura Paroko ng St.Vincent Ferrer Parish.
Ayon kay Corpuz, apat na beses umanong binaril ng mga hindi pa tukoy na salarin ang pari habang nagbibihis ito sa sacristy ng simbahan dakong alas-6:05 kahapon ng hapon.
Iniimbestigahan naman ng pulisya kung sino ang mga salarin at ano ang motibo sa pagpaslang sa pari at bumuo na ng task force para imbestigahan ang pagpatay sa pari.
Ayon kay Chief Superintendent Amador Corpus, Hepe ng PNP Region 3, inatasan niya ang Special Investigation Task Force Nilo na busisiin ang lahat ng anggulo para maresolba ang pagpatay kay Father Nilo.
Nanawagan rin sa publiko si Corpus na i-report sa kanilang hotline 09985985330 ang anumang impormasyon para sa ikadarakip ng suspects.
Si Father Nilo ay matatandaang pinagbabaril ng dalawa kataong nakasakay ng motorsiklo habang naghahanda sanang magmisa sa chapel ng Barangay Mayamot sa Zaragosa Nueva Ecija.
Si Nilo ang ikatlong pari na pinatay ng riding in tandem suspects sa nagdaang anim na buwan, una rito si Father Mark Ventura sa Gattaran Cagayan noong Abril, at Father Marcelito Paez sa Jaen Nueva Ecija noong Disyembre.
Si Fr. Nilo ang ika-apat na pari na tinambangan ng mga hindi pa rin tukoy na salarin, sunod kina Fr. Rey Urmenta ng Laguna na sugatan at nakalabas na sa ospital.
Gayundin sina Fr. Mark Ventura na napatay sa Cagayan noong Abril at Fr. Marcelito Paez na nabaril, patay sa bayan ng Jaen, Nueva Ecija noong Disyembre ng isang taon.
Samantala, mariing kinondena ng VACC o Volunteers Against Crime and Corruption ang panibagong insidente ng pagpatay sa isang pari sa bayan ng Zaragoza sa Nueva Ecija.
Ayon sa VACC si Father Richmond Nilo ng Diocese of Cabanatuan na ang ikalawang pari na pinaslang sa Nueva Ecija simula noong nakaraang taon.
Kasabay nito, nanawagan ang VACC sa Pambansang Pulisya at iba pang ahensiya ng pamahalaan na mabigyan nang agarang hustisya ang pagkamatay ni Fr. Nilo.
—-