Isa na namang Pogo service provider ang ipinasara ng Bureau of Internal Revenue (BIR) dahil sa hindi pagbabayad ng tamang buwis.
Sinalakay at ipinad-lock ng team mula sa BIR ang Altech Innovations Business Outsourcing, isang Pogo service provider na may headquarters sa Aseana city sa Parañaque at Sanay sa Pasay City.
Ayon sa BIR, ilegal ang operasyon ng Altech Innovations na pag-aari ni Jan Erick Lavarias Altavas dahil hindi ito rehistrado sa BIR.
Sinasabing umaabot na sa P100-M ang hindi nabayarang buwis ng Pogo operator.