Inilatag ng isang eksperto ang posibleng opsyon para mapanatili ang proteksyon laban sa mga bagong COVID-19 variants.
Ayon kay Dr. Rontgene Solante, isang Infectious Diseases Expert, maaaring ipatupad ng gobyerno ang taunan o dalawang beses kada taong pagtuturok ng bakuna.
Batay kasi sa datos, nasa 6-8 buwan lamang ang itinatagal ng immunity ng isang tao sa bakuna, na nawawala kung lalagpas sa nabanggit na panahon.
Hangga’t may kaso ng COVID-19 bansa, sinabi ni solante na posible pa ring tumaas ang kaso kaya mahalaga ang patuloy na proteksyon laban sa virus.
Matatandaang sa huling datos, pumalo na sa 73.7 milyong pilipino ang fully vaccinated na laban sa COVID-19, habang 21 milyon ang nakatanggap ng booster shot.