Sinampahan ng isandaan at animnaput isang (161) kaso katiwalian sa Sandiganbayan ang dating Officer-in-Charge ng Maguindanao na si Governor Datu Sajid Islam Ampatuan kabilang ang labing tatlong (13) iba pa.
Si Sajid ay anak ng yumaong Governor Andal Ampatuan Sr. na isa sa itinuturing utak ng Maguindanao massacre.
Nag-ugat ang kaso sa di umano’y mga ghost projects ni Sajid sa Maguindanao noong 2009 kung saan mahigit sa P95-M ang nawala sa pamahalaan.
Co-accused ni Sajid sa isandaan at animnaput isang (161) kaso ng katiwalian si maguindanao Provincial Engineer Landap Guinaid na napatay sa isang ambush sa Shariff Aguak noong July 28 ng nakaraang taon.
By Len Aguirre