Isa pang bagyo ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR) bago mag-Pasko.
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), may binabantayang sama ng panahon na nasa bahagi ng Guam at kumikilos patungo sa direksyon ng bansa.
Kung hindi magbabago ang direksyon nito ay inaasahang papasok ito sa PAR ngayong linggo.
Sakaling pumasok na sa bansa ay papangalanan itong bagyong Onyok.
Samantala, sa Biyernes ay posibleng palabas na sa bansa ang bagyong Nona na ngayon ay nanalasa sa Bicol area.
By Rianne Briones