Matapos ang bagyong Hanna, may panibagong bagyo na namang binabantayan ngayon ang PAGASA sa labas ng PAR Philippine Area of Resonsibility
Ayon kay Senior Weather Forecaster Gener Quitlong, malakas ang binabantayan nilang bagyo na mayruong International Name na Krosa
Taglay aniya ng nasabing bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 120 kilometro bawat oras at may pagbugsong aabot naman sa 175 kilometro bawat oras
Gayunman, kinalma ni Quitlong ang publiko dahil sa malabong pumasok at lumapag sa kalupaan ng Pilipinas ang nasabing bagyo subalit may tsansang umabot lang ito sa Border Line ng PAR
Sa kabila nito, sinabi ni Quitlong na malaki pa rin ang magiging epekto ng bagyong Krosa dahil paiigtingin nito ang hanging Habagat na siyang magdadala pa rin ng mga pag-ulan sa Hilagang Luzon partikular na sa rehiyon ng Ilocos