Isa na namang pasahero ang nabiktima ng umano’y sindikato ng “tanim-bala” sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Si Nimfa Fontamillas, 65-anyos, ng Cavite City ay nahulihan ng “live ammunition” sa kanyang shoulder bag.
Ang ginang ay pasakay na sana ng Tiger Airlines patungong Singapore para manood ng soccer game ng kanyang pamangkin.
Giit ni Fontamillas, hindi naman sa kanya ang tinukoy na bala at nagtataka siya kung bakit walang nakita sa unang x-ray machine na dinaanan niya.
Dahil dito, lalong lumakas ang panawagan na sibakin ang mga opisyal at empleyado ng airport dahil sa mga naturang pangyayari.
Atleast 4,000
Tinatayang 4,000 katao na ang nahulihan ng “bala” o live ammunition sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.
Ayon sa source ng DWIZ, ang mga insidenteng ito ay naitala simula noong Enero hanggang Agosto ng taong kasalukuyan.
Sinasabing ang mga nakasuhan ay wala pa sa kalahati habang naabswelto naman ang mga nasasampahan ng kaso.
Karamihan umano sa mga nabibiktima ng “tanim-bala” ay napipilitang umareglo para hindi na umabot sa piskalya ang usapin.
By Jelbert Perdez | Raoul Esperas (Patrol 45)