Nadagdagan ang mga barkong pandigma ng Pilipinas sa pagdating ng ikalawang amphibious landing dock vessel ng Philippine Navy.
Dumaong sa Manila South Harbor ang BRP Davao del Sur mula sa PT Pal Shipyard sa Surabaya, Indonesia.
Ang BRP Davao del Sur ay isa sa dalawang amphibious landing vessel na binili ng Pilipinas mula Indonesia sa halagang 3.8 billion pesos.
Ayon kay Capt. Lued Lincuna, tagapagsalita ng Navy, magsisilbing floating command and control ang landing dock lalo na sa pagsasagawa ng humanitarian assistance at disaster response operations at magsisilbi ring military sealift and transport vessel.
Iko-komisyon ang barko sa May 30 kasabay ng ika-119 anibersaryo ng Navy.
By Drew Nacino |With Report from Jonathan Andal
Photo Credit: DFA Philippines Twiter Account