Isa pang bata ang umano’y nasawi matapos maturukan ng dengvaxia sa Macabebe, Pampanga.
Ayon sa report, ang 12-anyos na batang babae na naturukan ng isang dose ng dengvaxia noong June 14, 2016 sa San Esteban Elementary School ay na-diagnose na may brain herniation syndrome.
Makalipas ang pitong buwan o nitong January 14, nilagnat at sinipon ang bata bukod pa sa sumakit ang ulo at nagsuka.
January 17 nang dalhin sa ospital ang bata at makalipas ang dalawang araw ay binawian na ito ng buhay samantalang hindi pa makumpirma kung sa dengue nga ito nasawi.
Una nang nakapagtala ng dalawang batang nagmula sa Guagua at Candaba na umano’y nasawi rin dahil sa dengvaxia.
—-