Isa pang batch ng mga sundalo ang ipinadala ng militar sa Nueva Ecija upang tumulong na mapigilan ang pagkalat ng bird flu.
Isandaan at tatlumpung (130) sundalo ang agad na ipinadala ng 7th Infantry Division ng Armed Forces matapos umapela ng tulong ang Bureau of Animal Industry ng Department of Agriculture o DA.
Sa loob lamang ng dalawang araw ay umabot sa 27,000 manok ang napatay mula sa mga poultry farms sa loob ng isang kilometrong quarantine zone.
Matatandaan na mga sundalo rin ang nakatulong ng DA sa paglilinis sa San Luis Pampanga kung saan unang nagkaroon ng outbreak ng bird flu.
By Len Aguirre