Posibleng buksan ng DENR o Department of Environment and Natural Resources sa publiko ang Bulabog beach sa isla ng Boracay.
Ayon kay Environment Secretary Roy Cimatu, bumaba na ang coliform level sa silangang bahagi ng isla kung saan isinasagawa ang mga aktibidad gaya ng kiteboarding at windsurfing.
Gayunman, mahigpit pa ring ipinagbabawal ang pagdaraos ng ilang mga kaganapan gaya ng kasal sa Boracay.
Maaari namang magsagawa ng photo shoots sa lugar ngunit hindi pinapayagan ang pagsusuot ng sapatos.
Plano naman ng DENR na kumuha ng general manager para pamahalaan ang operasyon sa isla.