Sumakabilang buhay na ang isa pang biktima ng pagsabog ng tindahan ng mga paputok sa Bocaue, Bulacan noong isang buwan.
Ang biktimang si Perla Santos, 57-taong gulang ay namatay noong Sabado, October 30 sa Quirino Memorial Hospital kung saan ilang linggo siyang na-confine.
Inulila ni Santos na nasawi sa kumplikasyon mula sa tinamong second degree burns ang kanyang asawa at limang (5) anak.
Umaapela naman ang pamilya ni Santos sa local officials na tulungan silang bayaran ang gastos sa ospital at maging sa pagpapalibing dito.
By Judith Larino